Isa ngang nakakalungkot na balita para sa entertainment industry ang biglaang pag-panaw ng Jukebox Queen na si Claire Dela Fuente noong Marso 30, 2021 lamang.

Isa sa mga kilalang personalities at celebrities na nag-bahagi ng kanilang pakikiramay ay ang Viva Artist na si Yam Concepcion.

Hindi lingid sa kaalaman ng lahat, pamangkin ng singer ang “Init Sa Magdamag” aktres.

Ibinahagi din ni Yam na nakausap pa niya ang Tiyahin ilang araw bago ito pumanaw. Para sa sa aktres ito ang “most precious 4 mins.” para sa kaniya.

Sumama din ang aktres sa virtual funeral service ni Dela Fuente. Ibinahagi ni Yam ang “new normal” na ito sa kaniyang Instagram Stories.

Dubbed ang kilalang singer bilang “Karen Carpenter of the Philippines” nang i-release niya ang kaniyang debut album noong ’70s.

Kilala din ito bilang “Jukebox Queen” kasama si Imelda Papin at Eva Eugenio.

For more updates about Yam Concepcion and more of your favorite artists, follow Viva Entertainment on FacebookTwitter, and Instagram.

Check out other stories about Yam Concepcion

Facebook Comments