Wala pa mang happy ending para sa karakter niyang si Rita sa teleserye, “happily every after” na in real-life si Viva artist Yam Concepcion!

@yamconcepcion/Instagram

Sa mainit na episode kasi ng “Init Sa Magdamag” spotted ang karakter ni Yam (na nagdadalang tao) na bugbog sarado dahil sa lumalalang paranoia ni Peterson (JM de Guzman).

Kabaliktaran naman ng nangyayari ngayon sa totoo niyang buhay. Dahil si Yam, kasal na!

Sinorpresa ng aktres ang mga kaibigan at followers sa social media accounts nito ang iba’t-ibang clip na may mensahe ng congratulations para sa dalawa.

Mas na-detalye ang kasal ng mga ito dahil present din pala ang sikat na host at personality na si Tim Yap.

@officialtimyap/Instagram

Ayon dito, nangyari ang intimate civil wedding sa New York City kasama ang close friends at family ng dalawa aboard sa boat overlooking ang Statue Of Liberty.

@camillevvv/Instagram

Pero bukod sa obvious na love for each other na kita kay Yam at sa longtime boyfriend nito na si Miguel CuUnjieng.

Simple but very garden wedding vibes ang outfit ng dalawa. Isang white ruffled long gown si Yam na compliment sa light blue suit and khaki-colored pants naman ang sa asawa nito.

@yamconcepcion/Instagram

Bukod sa flowery outfit nila, agaw atensyon ang accesory ni Yam na alive kung tutuusin! Walang iba kundi ang aso ng dalawa na si Tiny! Throughout the wedding kasi, hindi kasi ito nawalay sa kaniya.

@yamconcepcion/Instagram

At one point inilagay pa nga ito ni Yam sa pet bag niya para mas makapag-move around!

@yamconcepcion/Instagram
@yamconcepcion/Instagram

Matatandaan na kamakailan ay lumipad si Yam papuntang New York para ma-reunite kay Miguel. Ngayong 2021 lang din nito na-reveal na since 2018 pa siya engaged!

Stay lowkey, Yam!

For more updates about Yam Concepcion and more of your favorite artists, follow Viva Entertainment on FacebookTwitter, and Instagram.

Check out other stories about Yam Concepcion

Facebook Comments