Ngayong linggo na ang premiere ng first-ever Vivamax Originals ang romantic series na “Parang Kayo Pero Hindi” starring Xian Lim, Kylie Verzosa, and Marco Gumabao. At dahil days away nalang ’til February 12 ay nag-release ng Youtube videos sina Xian at Marco featuring silang tatlo!

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Vivamax Atin ‘To (@vivamaxph)

Sa vlog ni Xian Lim, nag-bahagi siya ng behind-the-scenes footage sa set ng “Parang Kayo Pero Hindi”. Matatandaan na ginawa ang series noong kasagsagan ng lockdown sa bansa.

 

Kaya kita naman ang striktong pagsunod ng mga ito sa health and and safety protocols ng shooting locations nila.

Fun and games naman ang hatid ng latest vlog ni Marco Gumabao. Naglaro ang tatlo ng “Don’t Drink The Wrong Drink” kung saan hihigop sila mula sa mystery drinks, pag nakuha ng isa sa kanila ang “wrong drink” ay gagawi ito ng dare.

At ginawa ito ng tatlo sa headoffice ng Viva!

May parte pa sa vlog na kinulit ni Marco ang President at CEO ng Viva si “Boss Vic” del Rosario!

Makulit man sila sa mga vlogs na ito, superb acting naman ang ginawa ng tatlo sa series. Kaya ngayong February 12 wag palampasin makita on your mobile screens sina Xian Lim, Kylie Verzosa, at Marco Gumabao sa first-ever Vivamax Originals ang “Parang Kayo Pero Hindi” exclusive on Vivamax.

Mag-subscribe na din sa Vivamax for only P149 for 1 month, pwede mo pang ma-share up to two devices and iyong account! You can visit web.vivamax.net o i-download ang Vivamax app sa Google Playstore.

For more updates about Viva artists, follow Viva Entertainment on FacebookTwitter, and Instagram.

Check out other stories:

Facebook Comments