Silent ba muna ang KimXi sa ngayon?

@xianlimm/Instagram

Tuloy-tuloy na si Viva artist Xian Lim sa kaniyang paglipat nito sa Kapuso Network!

Kasabay naman ng paglipat na ito ang pagsabak agad-agad ng aktor sa kaniyang first-ever project sa GMA 7 ang “Love, Die, Repeat” kung saan makakatambal niya si Jennylyn Mercado.

@xianlimm/Instagram

Halata naman ang excitement ni Xian sa bagong adventure na ‘to!

Pero, sa “JenXi” binubuong loveteam na ‘to, magpaparaya muna ba ang reel at real loveteam ni Kim Chiu at Xian na KimXi?

Ang sagot ni Xian? Hindi naman!

“…I know suportado namin ang isa’t isa, mapaano mang desisyong gawin namin. Even po sa mga proyekto, kunyari po sa mga pelikula or teleserye, never po kami umabot sa point na, ‘Uy, magpapaalam muna ako bago ko gawin ‘to.” explain nito sa press.

@chinitaprincess/Instagram

Assured ni Xian, na ‘di mawawala ang tambalan nila ni Kim. Hindi kasi sila ang type ng relasyon na nilalagyan ng restriction ang isa’t-isa.

Matatandaang sumikat ang KimXi sa isang teleserye noon sa Kapamilya Network. Ito din ang naging dahilan sa pag-bloom ng kanilang relasyon from reel to real!

@xianlimm/Instagram

Halos 7 years na din ang real life relationship ng dalawa.

Good luck on your journey as a Kapuso, Xian!

For more updates about Xian Lim and other Viva artists, follow Viva Entertainment on FacebookTwitter, and Instagram.

Check out other stories:

Facebook Comments