Walang magkakaila na si Popstar Royalty Sarah Geronimo, Asia’s Songbird Regine Velasquez, at Megastar Sharon Cuneta ay ang tatlo sa pinaka-iconic singers ng bansa.

At hindi na kailangang isipin kung anong mangyayari pag pinagsama-sama sila on stage—recently lamang, noong 2019!

Para sa Christmas Special ng ABS-CBN, nagkaroon ang all-out diva showdown ang tatlo. Singing to Whitney Houston, Celine Dion, Mariah Carey, and many other iconic singers’ greatest hits.

Kung iisipin, hindi ito ang unang beses na nagkasama ang tatlo onstage. As per fans, noong 2003 sa grand finals ng “Star For A Night” ay present si Sharon as judge, Regine as host, at syempre ang grand winner na si Sarah G.

Kung iisipin, witness ang dalawang iconic singers sa simula ng isang iconic singer din!

Madalas magkasama si Sarah at Regine sa ASAP at nag-collab na din ito sa “UNIFIED” concert noong 2020—mapapanood na ang concert sa February 26 sa Vivamax!

Balikan ang iconic showdown na ito! Watch it below:

For more updates about Sarah Geronimo and other Viva artists, follow Viva Entertainment on FacebookTwitter, and Instagram.

Check out other stories about Sarah G

Facebook Comments