Nagsalita na ang Unkabogable star na si Vice Ganda tungkol sa issue ng pagpapatanggal ng Commission on Higher Education (ChEd) sa Filipino at Panitikan bilang core subjects sa K-12 program.

Samantala, noong June ng nakaraang taon pa napirmahan ng DepEd at South Korea ang memorandum of agreement sa pagtuturo ng Korean language sa public high schools. Nagsanhi ito lalo ng pagkadismaya ng marami.
Oo we love Korea, Koreans. Their telenovelas, their food. Their pop superstars. I don’t hate them. I am actually a fan. PERO sana po @PhCHED wag naman nating gawin to. Pls. don’t let them invade our own culture. Cut Panitikan to teach korean language. NO!!! pic.twitter.com/xIMFpjVD3l
— Catherine Bautista (@kakaibautista) November 13, 2018
Marami na ang nagpaabot ng hindi nila pagsang-ayon sa nasabing memorandum kabilang ang ilang celebrities.
Ayon kay Vice Ganda, kahit siya na matanda na ay hindi pa rin ganoon kagaling pagdating sa wikang Filipino.

“There’s nothing wrong with learning other languages.”
Dagdag naman ni Vhong Navarro, “Aralin muna natin ‘yung atin.”

Sumang-ayon dito si Vice. “Oo, i-perfect natin ang Filipino.”
Nagkwento rin si Vice tungkol sa anak ng kasambahay niya na English-speaking din at pati na sa lumabas sa pag-aaral na mas nakakaintindi pa ang mga bata ngayon ng instructions na English kaysa sa Tagalog.
Panoorin ang buong video dito:
Facebook Comments