Sa harap ‘man o labas ng camera, honest ang Unkabogable Box Office Superstar na si Vice Ganda. Madalas nga nito i-share ang opinyon sa mga usap-usapang social issues sa longtime afternoon show na “It’s Showtime”.

Pero ang ayaw na ayaw ng sikat na superstar ang ma-issue siya sa mga ‘di totoong balita!

No no talaga kay Meme ang fake news!

Sa recent tweets kasi nito walang pakundangan binanatan ni Vice ang isang website na nag-labas ng istorya tungkol sa kaniya at ang mga sikat na ABS-CBN stars na kamakailan ay spotted sa kabilang network.

Ayon kay Meme, ‘di totoo ang “deleted tweets” na bina-bash niya mga kapwa sikat na sumakabilang channel.

Hindi napigilan ng “Gandemic” superstar ang mapa-yuck sa pekeng showbiz news.

Ramdam naman ang inis nito sa susunod na tweet.

Never nagsabi si Vice o nagbigay ng opinyon maski hate sa mga kasamahan na nasa kabilang network na.

Kung babalikan, para sa sarili lamang ito nagsalita. Ayon kay Meme, never niyang bibitawan ang network at ang show na kinabilangan for 10 years.

“Magkamatayan na. Hindi ko iiwanan itong ABS-CBN ngayon. Kasi nung nangyari ito sa buhay ko, hindi ako iniwanan ng ABS eh.”

“Kaya ngayon na nangyayari ito sa ABS, hindi rin kita iiwanan katulad ng hindi mo pang-iiwan sa akin noon.”

For more updates about Vice Ganda and other Viva artists, follow Viva Entertainment on FacebookTwitter, and Instagram.

Facebook Comments