Isang atake online na naman ang naganap kay Viva artist Julia Barretto.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Julia (@juliabarretto)

Gamit ang kaniyang Instagram account, ipinaalam ng 24-year old na aktres na na-hack ang kaniyang Twitter account.

@juliabarretto/Instagram

Ang Twitter username na @barrettojulia na account ng dalaga ay deactivated na. Mayroon namang agad fan na kumuha nito. Ngayon ay fan account na ng dalaga ang username.

Julia Barretto's Twitter account has been deleted after getting hacked
kami.com.ph/website

Sa ngayon ay wala pang ibang detalye ibinahagi si Julia tungkol sa hacking incident na ito.

Alerto naman at to the rescue ang loyal fans at supporters ng dalaga sa nangyari sa kaniya.

Sa katunayan, noon pa ‘man ay pinagtatanggol na nila ang aktres sa bashers at iba’t-ibang unnecessary hate na ibinabato dito.

 

Mainit ngayon sa netizens ang dalaga at ang celebrity boyfriend nito na si Gerald Anderson dahil sa isang vlog nito. Sa ngayon, wala pa din itong reaksyon sa issue.

 

For more updates about Julia and other Viva Artists, follow Viva Entertainment on FacebookTwitter, and Instagram.

Check out more stories about Julia Barretto:

Facebook Comments