Sign na ba ‘to na together forever na para sa JuRald?

@juliabarretto/Instagram

Mukhang na-e-enjoy ni Viva artist Julia Barretto at Gerald Anderson ang kanilang time together. Sa ngayon kasi ay wala pang projects ang dalawa, katatapos lang din ng locked-in taping sa upcoming teleserye ni Julia.

Sa kani-kaniyang lakad nga ay magkasama ang mga ito. Nandiyan ang recent trip ng pamilya ng aktres pa-Baguio kung saan yakag-yakag nito ang aktor.

@juliabarretto/Instagram

Ganoon din sa ganap ni Gerald!

Recently kasi, na-share ng 32-year-old ang litrato nila ng kasintahan sa isang event na pinasinayan ng Philippine Coast Guard Auxillary na parte ito. Lieutenant Commander ang aktor sa Coast Guard.

“Partner” sulat nito.

@andersongeraldjr

Kasing solid ng fans nila ang tambalan ng dalawa! Sila na kaya talaga ang “the one” ng isa’t-isa?

Sa past vlogs na ginawa nito noon at mga interviews, ilang beses na din nasabi ng aktres na pagkakaroon ng pamilya ang nakikita niya para sa sarili.

“I hope in 5 years I already have a child and a family.” share ni Julia sa vlog ng kapatid na si Dani Barretto

@juliabarretto

Wish pa nga ng aktres na magkaroon ng 4-5 na anak!

“I always dream of simple and quiet family life,” banggit nito sa vlog ni Gerald.

Ganoon din ang plano ni Gerald!

“Siyempre naman! ‘Yun ‘yung next chapter ng buhay natin. Inaayos natin lahat ‘yan.” sabi nito sa vlog ng kaibigang si Joe Vargas.

@andersongeraldjr/Instagram

For more updates about Julia and other Viva Artists, follow Viva Entertainment on FacebookTwitter, and Instagram.

Check out more stories about Julia Barretto:

Facebook Comments