Iba din talaga ang hatak ng Vivamax sa madla!

Vivamax/Website

Sa katunayan trending ang mga latest at exclusive releases nito sa social media tulad ng “Boy Bastos,” “Silip Sa Apoy,” “Lulu,” “Kinsenanas Katapusan,” at maraming pang iba!

Kaya naman sa unang pagkakataon, magsasama ang hinahana-hanap na stars ng Vivamax para sa isang limited series tungkol sa pagibig at tukso.

Premiering na ngayong February 27 ang “L (Larawan, Liko, Lipat)” starring Vince Rillon ng “Siklo,” Stephanie Raz ng “Sanggano, Sanggago, Sanggwapo 2” Ayanna Misola ng “Kinsenas Katapusan,” Cloe Barreto ng “Siklo,” at Cara Gonzales ng “The Wife”.

@vivamaxph/Instagram
@vivamaxph/Instagram
@vivamaxph/Instagram
@vivamaxph/Instagram

Isang limited three-part series ang “L” na katatawan sa episodes na “Larawan” “Liko” at “Lipat”.

Iikot ang storya sa freelance artist na si Lucas (Vince Rillon) na sinusubukang makawala sa kalungkutan dulot ng pag-iwan sa kaniya ng nobyang si Lana (Stephanie Raz).

Sa kalungkutan, doon niya makikilala ang tatlong babaeng magbabago ng kaniyang buhay.

Sa direksyon ng tatlo sa mga kilalang pangalan sa industriya ang serye! Sina Roman Perez Jr, Topel Lee at EJ Salcedo.

Si Direk Topel ang sa “Larawan,” “Liko” naman ay kay Direk EJ at ang “Lipat” naman ay kay Direk Roman. 

Ang award winning direktor naman na si Jon Red ang sumulat at nag-produce ng serye.

Mapapanood ang mga episodes every Sunday simula February 27. Ang next episodes naman ay papatay ng March 06, at March 13. 

Exclusive ang serye sa Vivamax kaya subscribe na! Sa halagang P149/monthly lang may watch-all-you-can ka pa.

For more updates about your favorite Viva artists, follow Viva Entertainment on FacebookTwitter, and Instagram.

Check out other stories:

Facebook Comments