Hindi lang isang malaking karangalan kundi history itself ang pagkapanalo ni gold medalist weightlifter Hidilyn Diaz sa 2020 Tokyo Olympics.

May be an image of 5 people, people standing and indoor
Coach Jeaneth Aro/Facebook

Ito naman kasi ang kauna-unahang Filipinoo na maguuwi ng Olympic gold medal sa bansa!

Nagkaroon ng Hidilyn Diaz invasion sa bansa sa pag-takeover ng balita at kung anu’t-ano pang posts sa social media na ipinagdidiwang ang pagkapanalo ng weightlifter.

Bukod sa mga congrulations, binalikan ng iba ang hardships ng atleta lalo na noon na wala itong makuhang financial support sa pagpasok niya sa kumpetisyon na ipinanalo ngayon.

@hidilyndiaz/Instagram

SEE MORE: Hidilyn Diaz, Halos Magmakaawa Noon Para Makakuha Ng Sponsors?!

Nagsimula ito sa posts ng ilang malalaking brands na nag-offer ng pagka-laki-laking rewards din sa atleta. Tulad ng free for life na air miles, condos, at appliances,

Kinastigo naman ng ilan ang ganitong move lalo na at muntik nang ‘di makapasok si Hidilyn sa Olympics dahil kulang ito sa suporta noon.

May be an image of 1 person and text that says 'PHILIPPINES'
Hidilyn Diaz/Facebook

Ang iba iniisip na ito ang paraan ng mga brands para bumawi sa atleta. Hiling naman ng mga nnetizens na bigyan ng tamang suporta ang mga atletang Pinoy.

May be an image of 1 person and indoor
AFP/Website

Ipinarating naman ni Hidilyn ang kaniyang pasasalamat sa lahat ng mga tumulong at sumuporta sa kaniya.

“Kung ako lang ito, di ko ito magagawa parang impossible. Salamat God sa pagdala ng mga tao, government support,private support, pamilya, kaibigan at prayer warriors para magawa ko ito at maging possible.”

For more updates about your favorite Viva artists, follow Viva Entertainment on FacebookTwitter, and Instagram.

Check out other stories:

Facebook Comments