Kung hindi lang siya ang Popstar Royalty, siguradong “Record Breaker” ngayon ang dubbed kay Sarah G.

Sa loob ng 18 years nito sa showbiz, tuloy-tuloy lang ang pagangat ng singer. Record breaking albums, soldout concerts, and talked about projects ang hatid nito consistently!

Kaya naman sa kaniyang pagbabalik sa spotlight sa “TALA: The Film Concert” pinatunayan ni Sarah G sa lahat na she’s still the country’s one and only Popstar Royalty.

Lalo na sa audio album ng kaniyang concert!

Matatandaan na bago matapos ang Marso ay nasa #1 spot ito sa iTunes Philippines—sa iba’t-ibang parte ng mundo din!

 

View this post on Instagram

 

A post shared by VIVA Records (@viva_records)

Ayon sa Popvortex, one-week straight nang nasa top ang “TALA: The Film Concert” album sa iTunes Philippines. Simula ng ilabas ito noong March 28, 2021.

Currently, ito ay nasa #2 spot sa iTunes Philippines Top Album list!

For more updates about Sarah Geronimo and other Viva artists, follow Viva Entertainment on FacebookTwitter, and Instagram.

Check out other stories about Sarah G

Facebook Comments