Sarah Geronimo supremacy talaga!

Sa loob ng 18 years ni Popstar Royalty Sarah Geronimo sa showbiz, ito ata ang pinakamatagal na ‘di siya ganoon ka-present sa TV ‘man o pelikula.

Mas madalas na ito ngayon sa iba’t-ibang mga endorsement. On her own o ka-tandem ang asawang si Matteo Guidicelli.

Ganoon pa man nasa level na si Sarah G ng stardom na unforgettable! Markado na kasi siya as one of the country’s best female performers sa pelikula, concert, o sa TV man!

Naka-ipon kasi si Sarah G ng total of 7 nominations sa iba’t-ibang kategorya sa Philippine Movie Press Club (PMPC) Star Awards ngayong taon.

May iba’t-ibang awards na inihahalal ang PMPC sa movies, tv, at music. Sa tatlong ito? Lahat meron si Sarah G!

Para sa 36th PMPC Star Awards for Movies, nominated sa award na “Movie of the Year” ang pelikula ng Popstar na “Unforgettable”. Hindi din mawawala ang nomination nito sa “Movie Actress of the Year” award.

Ang “Ang Tangi Kong Pangarap” na kinanta niya singer ay nominated din para sa “Movie Theme Song of the Year”

@shy.ph/Instagram

Syempre ‘di mawawala ang nominations sa kaniyang forte—music! Sa 12th PMPC Star Awards For Music, nominated sa awards na “Female Recording Artist of the Year” at “Female Pop Artist of the Year” ang Popstar!

Kahit sa TV recognized si Sarah G! Nominated ito sa “Best Female TV Show Host” award bilang isa sa mga host ng Sunday variety show na ASAP.

@sarahgeronimoshots/Instagram

Congratulations, Sarah G!

For more updates about Sarah Geronimo and your favorite Viva artists, follow Viva Entertainment on FacebookTwitter, and Instagram.

Check out other stories:

Facebook Comments