End of an era na ba ‘to para sa viral hair ng Popstar?

@gelalaurel/Instagram

Grabe din talaga ang naging epekto ni viral pixie hair ni Popstar Royalty Sarah Geronimo sa kaniyang karera.Lalo na’t ‘di ito sa ganitong look nakilala at sumikat ang Popstar Royalty.

Matatandaan na ibinunyag ng singer ang hair sa isang online concert kasama ang asawang si Matteo Guidicelli. Sa katunayan ang pixie hair na ‘to ay sobrang ikinagulat ng lahat at ‘di lang Popsters! Nag-viral ito sa internet!

Sarah Geronimo Is Breaking The Internet! Grabe Ang Epekto Ng New Look Niya

@gelalaurel/Instagram

Mixed reactions din ang lahat sa hair na ‘to. Syempre ang Popsters ay tiwala sa mga ganitong desisyon ng singer while ang iba ay naninibago sa shortest hair ever ng singer.

Pero obvious naman na ang Pop icon ay rocking every pose and style na pwede sa kaniyang crown of glory.

ACER/Facebook

Sadly, “All good things must come to an end” talaga!

Sa latest spotted photos kasi ng singer, obvious dito na humaba na ang hair niya! Kung titignan nasa awkward stage na ito ng pagtubo. Of course Sarah is still rocking every bit of it.

@ashmattg/Instagram

Susundan pa kaya ng Popstar ang pixie hair niya? O pabalik na ‘to sa looks na we all know and loved?

For more updates about Sarah Geronimo and your favorite Viva artists, follow Viva Entertainment on FacebookTwitter, and Instagram.

Check out other stories:

Facebook Comments