Nag-GMA si Sarah G! Pero ‘di sa naiisip na rason ng lahat.

@gelalaurel/Instagram

Kahit ilang beses na kwestyon ang loyalty ng Popstar sa network, consistent ito na ipapaalala sa madla na she’s here to stay.

Solid Kapamilya si Sarah G na sa loob ng 18 years, masipag na gumawa ito TV at movie projects kasa-kasama ang home agency nito na Viva Entertainment Inc., at ABS-CBN.

@sarahgeronimoshots/Instagram

Kaya kung titignan, ang only time ever na ‘lumipat’ ito sa kabilang network ay para i-promote ang kaniyang pelikula!

Ginawa ito ng Popstar sa kaniyang huling romance film noong 2017, ang “Won’t Last A Day Without You” kasama si Gerald Anderson.

Won't Last a Day Without You (2011) - IMDb
IMDB/Website

Sumaglit sa live studio ng noontime show na “Eat Bulaga” ang dalawa para i-promote ang pelikula. Kasama din kasi ang main host ng show na si Joey de Leon sa pelikula!

“Good afternoon po sainyong lahat sa lahat po ng nanonood ng Eat Bulaga” masayang bati ng Popstar.

Nanggaling na mismo kay Sarah na siya ay forever na Kapamilya. Winakasan nito lahat ng mga usap-usapang iiwanan na niya ang Kapamilya network sa isang clip na pinalabas sa ASAP.

@gelalaurel/Instagram

Panoorin ang full video ng visit ni Sarah G sa GMA 7 below!

For more updates about Sarah Geronimo and your favorite Viva artists, follow Viva Entertainment on FacebookTwitter, and Instagram.

Check out other stories:

Facebook Comments