True to herself talaga si Popstar Royalty Sarah Geronimo.

@gelalaurel/Instagram

Ang buhay ni Sarah sa entertainment industry ay makulay, kabog na kabog, at ma-aura. Sa 18 years niya as a performer and a Popstar ilang beses na niyang pinatunayan na karapat-dapat siya sa titulo.

Recent achievement niya ang ‘di ma-i-tatanggi success ng biggest-selling online concert niya ang “Tala: The Film Concert”. Nagkaroon pa kasi ito ng equally successful 2-day global repeat at televised premiere!

Pero si Sarah G off stage? Ibang-iba!

Dahil sa ilalim ng makukulay na damit, full of energy song and dance numbers, at umiikot-ikot na productions sets, isang very humble at simpleng babae—na wifey na din!

SEE MORE: Matteo Guidicelli, Hindi Lang Wifey Pero Hero Din Si Sarah Geronimo!

Sa katunayan, sa celebration ng kaniyang 33rd birthday. Pinili ng Popstar na makasama ang pamilya, close friends, at syempre ang asawa niyang si Matteo.

@matteog/Instagram

May snippet nga ang fans na eagle eye binantayan ang mga updates sa birthday ni Sarah G. Heto ang mga nakita nila!

Syempre gawa ng pandemic, hindi talaga ang mga ito makapag-gather. Ang party ay virtually nangyari!

Ang casual formal ng setup!

@ashmattg/Instagram

Mukhang may dapat ipakilalang ilang miyembro ng pamilya ang dalawa!

@ashmattg/Instagram

Ang efforts din ng mga Popsters sa ala-Holiday nilang celebration didn’t go unnoticed! May say nga si Sarah G eh!

“Hello maraming-maraming salamat po sa lahat ng Popsters na bumati para po sa aking kaarawan. Thank you very much for the surprise, thank you. It’s truly a blessing to be loved by all of you. Maraming salamat po. Stay safe and God bess you all!” nakangiting sabi ng Popstar.

 

For more updates about Sarah Geronimo and your favorite Viva artists, follow Viva Entertainment on FacebookTwitter, and Instagram.

Check out other stories:

Facebook Comments