Ang pag-perform on stage ang talagang craft at passion ni Popstar Royalty Sarah G.

After 18 years in the entertainment industry, she has never gone tired of it, nor the fast-paced industry to her.

Hanggang ngayon ay isa pa din ito sa most sought-after Filipino artists! Kahanay ni Regine Velasquez, Gary Valenciano, Martin Nievera, Ogie Alcasid at iba pa!

Kaya naman ng naging ‘absent’ ito sa Sunday variety show na ‘ASAP’ ay ramdam ang presence ng pagkawala ng Popstar.

Ang sagot ni Sarah G? She never left at all!

“Hindi naman po ako umalis sa pagpe-perform. Masasabi ko lang po na, I want to be able to give quality performances. Kaya, I’m taking my time.” sagot ni Sarah G sa isang exclusive interview with LionhearTV.

Hope din ng ‘Tala’ star na makita ang sarili na makapag-bigay ng bago sa mga tao.

“Ayaw ko po na maging stagnant ako as an artist. I want to know for myself kung ano pa ang kaya kong gawin. Kung meron pa ba kong kayang ma-ibigay na bago. So hindi ko po siya minamadali. Of course ‘di naman ako forever hihintayin ng panahon, ng mga tao.”

Paano ang full interview na ito here:

For more updates about Sarah Geronimo and other Viva artists, follow Viva Entertainment on FacebookTwitter, and Instagram.

Check out other stories about Sarah G

Facebook Comments