Ang convincing ni Sarah Geronimo pag umarte na!

Walang makakaalis sa Pop Princess status ni Sarah G kung sayawan at kantahan ang usapan. ‘Royalty’ nga ito sa larangan ng entertainment.

Syempre ‘di naman din siya papahuli kung titignan ang record niya bilang isang aktres. Kaya nga ang mga karakter niya tulad ni Laida Magtalas sa “A Very Special Love,” Jasmine sa “Unforgettable,” pati na bilang si Odrey sa “Miss Granny” ay iconic naman talaga.

Kahit nga sa role niya bilang si Trixie David sa 2015 musical romantic drama na “The Breakup Playlist” ay ‘di makakalimutan talaga.

In fact para ngang inlove na inlove ito sa karakter ni Piolo Pascual na si Gino Avila.

Sa pelikula kasi pinursige ni Gino si Trixie na tahakin ang pagiging singer kaysa maging abugado dahil ito naman talaga din ang sikretong pangarap ni Trixie.

Na-develop din ang feelings ng dalawa dahil sa kanilang pagsasamahan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Pelikula Pinas (@pelikulapinas)

Kaya naman ng mangyari ang hardships na humantong sa hiwalayan at pagkikita nila muli, sumabog na si Trixie.

Napa-mura pa nga ang karakter nito.

“Hindi na ako yung Gino na nakilala mo noon, nagbago na ako para saiyo. Mahal pa rin kita.” pagamin ng karakter ni Papa P.

“Sige. Mahal kita, mahal pa rin kita! Pero anong ginawa mo sa akin? Pinatay mo lang ako eh! Pinatay mo lang ako!” galit na sagot naman ni Trixie.

Balikan natin ang masakit sa dibdib scene na ito below!

For more updates about Sarah Geronimo and your favorite Viva artists, follow Viva Entertainment on FacebookTwitter, and Instagram.

Check out other stories:

Facebook Comments