Pagkatapos ng ilang buwan niyang pag-fo-focus bilang new mommy sa firstborn na si Night, sumasabak naman ngayon ulit si Viva artist Ryza Cenon sa panibagong challenge—balik alindog!

@iamryzacenon/Instagram

Mukhang officially na nag-simula ang “Bella Bandida” star sa kaniyang mga exercises, masaya niya nga itong nababahagi sa Instagram.

Mas naging in-tune na nga si Ryza sa kaniyang pagiging mommy, compared sa mga unang buwan niya. Matatandaan na isa sa struggles ng aktres ay mabigyan ang anak ng breastmilk na nakaapekto sa kaniya mentally.

“Ewan ko, minsan malungkot ako pero madalas naman masaya ako especially pag nakikita ko si Night. Pero pag ‘di ko nagagawa ng tama nalulungkot ako.”

@iamryzacenon/Instagram

Pero ngayon, heto at bounce back mode na si Ryza, nagsimula na siya sa threadmill na nilagyan niya pa ng kaunting sayaw for a twist!

Mahirap ‘man ulit mag-back to start, ang aktres na din ang nagsabi na nararamdaman na niya ang resulta!

“Pagod pero ramdam ko na I’m getting stronger naks!!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ms. Ryza Cenon (@iamryzacenon)

Sa kaniyang bounce back journey na ‘to ibig sabihin ba’y malapit na siya muli bumalik sa TV o pelikula? Ang last na project na ginawa nito ay ang action TV series na “Bella Bandida” sa TV5.

Abangan natin!

For more updates about Ryza Cenon and other artists, follow Viva Entertainment on FacebookTwitter, and Instagram.

Check out other stories about Ryza:

Facebook Comments