Talagang na-eenjoy na ni Sarah G ang kanyang pagbe-bake dahil mukhang may bago na naman itong sweet creation na pinatikim sa asawang si Matteo Guidicelli at ilang matalik nilang kaibigan.

Spotted ng fans sa Instagram stories ng aktor ang latest sweet creation nito, ang Tiramisu!

“Okay she’s now an expert at this,” sulat pa ni Matteo sa naturang post.

Kasama ni Matteo at Sarah G na tumikim ay si Anna Dasig na siyang close friend ng dalawa.

Nag-share din ito sa Instagram stories.

At kita sa short clip na ito na mukhang si Sarah G mismo ang nag-cut ng dessert para sa kanila.

Syempre, simo’t-sarap ang sweet creation na ito!

“Mukha naman masarap!! Hahaha!” biro pa ni Anna.

At ang hatol ng kaibigan?

“Yumm!!  One of the best Tiramisu I’ve tried!”

Kasama kaya ito sa menu ng soon to open sa market na cakes at sweets business ng dalawa?

For more updates about Sarah Geronimo and other Viva artists, follow Viva Entertainment on FacebookTwitter, and Instagram.

Check out other stories about Sarah G

Facebook Comments