Ikaw na talaga may best fans Sarah Geronimo!

@gelalaurel/Instagram

Sigurado, kahit anong pagkaabalahan ni Popstar Royalty Sarah Geronimo, suportado siya ng kaniyang masugid na mga tagahanga aka Popsters.

Kaya ngayong kaarawan ng nagiisang Popstar, halos gawing holiday ng mga ito ang kaarawan niya! Rain or sunshine man!

Kasi naman mapa-online o offline, nakiki-celebrate ang mga ito. At ngayong taon, nag-levelup nang tuluyan!

SEE MORE: Para Kay Sarah Geronimo, Popsters Gagawing ala-Holiday Ang Birthday Niya!

Unang-una, simula palang ang araw ng July 25, trending na ang Popstar Royalty sa Twitter. Sa katunayan nasa 4th spot na ang “HappyBirthday SARAH G” sa Philippine Trends ngayon ng social media platform.

Ang mga tweets ng fans, lahat pasasalamat sa naambag ni Sarah sa entertainment at music industry. Ang ilan binalikan ang mga best hits and moves niya.

Everyone is celebrating Sarah G in their own way!

Push na push pa nga ang mga ito sa “SARAH GERONIMO DAY” na i-trend din!

At ang pinaka-bonggang pa-ganap ng Popsters? Pa-billboard para sa nagiisang Popstar Royalty!

Ayon sa mga ito mayroong 2 LED Billboard placements sa dalawang prime locations sa Metro Manila. Ang sa EDSA Guadalupe Billboard at ang MOA Globe!

@gelalaurel/Instagram

Live na ang Guadalupe billboard ngayon!

Later pa ang MOA Globe appearance nito!

Syempre, ang ala-Sarah G takeover ng Popsters sa Twitter space sa pa-online party ng mga ito sa #TonightWithPopsters na magsisimula later!

Grabe kayo, Popsters! Kudos!

For more updates about Sarah Geronimo and your favorite Viva artists, follow Viva Entertainment on FacebookTwitter, and Instagram.

Check out other stories:

Facebook Comments