Apat sa brightest stars ng Viva Artists Agency, Lyca Gairanod, Kim Molina, Billy Crawford, at Nadine Lustre, ang nagpakulay sa succesful na “Dubai Expo 2020” para sa mga Pinoy OFWs!

@vivaartistagency/Instagram

Ang face-to-face concert na pinamagatang “Pump It Up” ay bahagi ng big-scale expo na nakansela sa paglaganap ng pandemya sa mundo.

Sa pagbabalik ng lahat sa pre-pandemic life, nakasa na din agad ang event na kasali ang bansa at ilang European countries.

Kaya naman ang pambato stars ng entertainment giant ang humarap sa bulto ng Pinoy OFWs sa Dubai para sa concert. 

Base na din sa mga social media posts ng mga um-attend sa event, halata ang tuwa ng mga fans at stars sa aktwal na concert! 

@billyvers/Instagram

True to the concert’s name, na-recharged ang lahat lalo na sa blood pumping set of songs tulad ng “Tayo’y Mga Pinoy,” “I Gotta Feeling,” at ang individual performances nina Lyca, Kim, Billy, at Nadine. 

Base din sa kanilang social media posts at sightings. Mukhang masaya din ang apat sa kanilang pagdalo sa concert! 

Todo ang posing at OOTD posts ni Lyca sa kaniyang Instagram.

@lycagairanod.1/Instagram

Maituturing na homecoming naman ang pagpunta sa Dubai para kay Kim. Matatandaan na laking Dubai ang “Ang Babaeng Walang Pakiramdam” star.

@kimsmolina/Instagram

Masayang nakipag-interact si Billy sa isang fan.

@billycrawford/Instagram

Apple of the eye naman si Nadine na ‘di lang nagbabalik sa pag-arte kundi patuloy na rin sa pag-perform.

@ihate2ndplace2.1/Instagram

Stepping stone na kaya ang event sa face-to-face concerts at live events soon sa bansa? Let’s hope soon!

For more updates about your favorite Viva artists, follow Viva Entertainment on FacebookTwitter, and Instagram.

Check out other stories:

Facebook Comments