Limang tulog nalang ay mapapanood na ang hugot comedy film “#JOWABLE” na pinagbibidahan ni singer-actress Kim Molina!

Ang “#JOWABLE” ay ang movie adaptation ng viral hugot short film by VinCentiments turned best-selling book! Written and directed ito ni Darryl Yap and produced under Viva Films.

Nakilala si Kim Molina sa galing niya sa pag-arte mapa movie, television, or musical man! Ilan sa mga karakter niya ay si “Joanne” sa pelikulang “Camp Sawi“, si Savannah sa top-rating teleserye “Kadenang Ginto“, “Billet” sa primetime soap na “The General’s Daughter‘, at si “Aileen” sa hit Pinoy musical na “Rak of Aegis“.

Talented din sa pagkanta si Kim! Sa pagbisita niya recently sa Tonight with Boy Abunda ay napabilib niya sa si Tito Boy sa kanyang “whistle”! Silipin ito below:

Makakasama ni Kim sa “#JOWABLE” ang kapwa-mahuhusay na co-stars at comedians na sina Chad Kinis, Cai Cortez, Kakai Bautista, Candy Pangilinan, at real life jowa na si Jerald Napoles!

Bilang skilled at versatile actress si Kim, paano nga ba niya pinaghandaan ang role niya sa “#JOWABLE” bilang si Elsa Mangahas?

Alamin sa interview kay Kim sa naganap na grand media conference ng pelikula nitong September 13:

 

Panoorin ang trailer ng “#JOWABLE” down below!

#JOWABLE Trailer

Isang Pelikulang para sa mga Tapos Nang Magpakatanga.Alamin ang iyong Tunay na Halaga!#JOWABLEthemovie FULL TRAILERYOUTUBE LINK: https://youtu.be/cU3xRYq7iX4May Libog! May Lesson! Kim Molina is #JOWABLEwritten and directed by Darryl YapSeptember 25, 2019in Cinemas Nationwide#VinCentiments x VIVA Films

Posted by VIVA Films on Sunday, September 1, 2019

 

Mark your calendars mga jowables! Showing na ang “#JOWABLE” this September 25, in cinemas nationwide!

Facebook Comments