Kahit ang mismong mga celeb artists na kasamahan ni Popstar Royalty Sarah G ay bilib sa kaniyang mga pop music.

Bukod kasi sa suporta ng mga ito sa kaniya, ay LSS din ang mga kasama sa ilan sa kaniyang viral hits!

Tulad nalang ng dalawang OPM icons, ang mag-asawang singer-songwriter Ogie Alcasid at ang Asia’ Songbird Regine Velasquez-Alcasid.

Recently spotted kasi ang mga ito dancing to one of Sarah G’s viral hit, Kilometro, on Tiktok!

Bigay na bigay si Ogie na bukod sa singer-songwriter ay kilalang entertainer at komedyante din! Natatawa man, game na game din sumali si Regine!

@ogiealcasid27##kilometrodancechallenge let’s all watch ##talathefilmconcert ##sarahgeronimo ##swabelang♬ Kilometro – Sarah Geronimo

Sa caption, way ito ng mag-asawa na i-promote ang “TALA: The Film Concert” ni Sarah G ngayong March 27, 2021 na!

Matatandaan na close ang mga ito hindi lang kay Sarah G kundi sa asawa din nito na si Matteo Guidicelli.

Nag-perform pa nga noon si Matteo at Sarah sa surprise wedding anniversary party ni Ogie at Regine.

Of course, walang makakalimot sa iconic collab concert ni Regine at Sarah G na “UNIFIED” noong 2020.

#CoupleGoals talaga!

For more updates about Sarah Geronimo and other Viva artists, follow Viva Entertainment on FacebookTwitter, and Instagram.

Check out other stories about Sarah G

Facebook Comments