Makikipagkulitan si Multimedia Princess Nadine Lustre bilang guest judge sa musical variety show na I Can See Your Voice ngayong Sabado.

(c) vivaartistsagency

Kikilatisin niya kasama ng Singvestigators ang mga contestants kung sila ba ay See-nger o Seen-tunado.

(c) vivaartistsagency

Kaabang abang ang guesting na ito ni Nadine dahil bukod sa galing niya sa pag arte at pag tanggap ng tatlong Best Actress Awards mula sa FAMAS, Urian, at YCC ngayong taon, kilala rin ang multi-hyphenate bilang isang talented na performer. Talaga namang she can do it all!

(c) vivaartistsagency

Kung gusto niyo pang makita si Nadine na magperform, mapapanood parin siyang humataw bilang si Jen dahil showing parin sa mga sinehan ang “INDAK”, ang biggest musical dance movie ng taon kung saan katambal niya ang total performer na si Sam Concepcion.

 

 

Facebook Comments