Sunod-sunod na parangal ang inuwi ng “Deleter” sa katatapos na 48th Metro Manila Film Festival (MMFF) awards night noong Martes, Disyembre 27 2022. 

@vivaartistsagency/Instagram

May total na pitong awards ang hinakot ng pelikula: “Best Sound,” “Best Visual Effects,” “Best Cinematography,” “Best Director,” at “Best Actress”. Highlight dito  ang “Best Director” award ni Mikhail Red at ang “Best Actress” award na iginawad sa Multimedia Princess, Nadine Lustre.

@viva_films/Instagram

Patunay na hindi lang ang mga sinehan ang sinakop ng psychological horror na ito kundi ang MMFF awards night din.

Ayon naman kay Nadine isa itong unexpected win. 

Sa isang quick panayam sa aktres, na-kwento nito na hindi inaasahan ang ganitong panalo ng ‘Deleter’. Muntikan pang hindi makasama ang pelikula sa roster ng MMFF ngayong taon.

Teddy Pelaez/Facebook

“Sobrang unreal. Kasi what I said earlier hindi namin expected na makakasama sa MMFF ‘yung ‘Deleter’.”

Sapat na sa ‘Team Deleter’ na panoorin at ma-enjoy ito ng mga Pilipino. 

“Hindi namin talaga in-expect ‘to. Kasi para sa amin, para sa ‘Team Deleter’, enough reward na yung gustuhin siya ng mga Pilipino at gustuhin nilang panoorin. Na mag-enjoy sila habang pinapanood. Isang malaking-malaking bonus para sa ‘Team Deleter’. So I’m really really happy.”

@viva_films/Instagram

Ang ‘Deleter’ ang opisyal na entry ng Viva Films sa 48th Metro Manila Film Festival (MMFF). Now showing ito sa major cinemas sa bansa! 

Panoorin ang official trailer ng ‘Deleter’ below.

For more updates about your favorite Viva artists, follow Viva Entertainment on FacebookTwitter, and Instagram.

Check out other stories:

Facebook Comments