Natumba ang bida, napurahan ng kalaban, at napapaligiran na din pala! Kung inaakalang mo all hope is lost, diyan ka nagkakamali dahil for sure may dakilang sidekick to da rescue!

Hindi man sila ang bida ng istorya siguradong maasahan ang partners na ‘to ng bida. Madalas sila ang komedyante pero sa aksyon maasahan.

Sa katunayan, ‘di lang mga bida ang sumisikat pati ang mga sidekicks nila. Kilalanin kung sino-sino sila below.

Black Dyak

Kung kalokohan at kalokohan lang maasahan ang komedyanteng si Blak Dyak diyan. Kahit sa mga action movies napasama din ito.

Dick Israel

Oo, ang kilalang kontrabida noon eh nagiging good guy din! Madalas kwela, nambabae pa nga, pero maasahan si Dick sa aksyon at bakbakan.

Niño Muhlach

Kilalang batang aktor si Niño Muhlach bago ito tumuloy-tuloy sa pagiging aktor nang siya’y tumanda. Sa angking nga nitong kulit at karisma, madalas sidekick ito ng mga bidang nanliligaw!

Panchito

Kung meron mang iconic na sidekick sa comedy, si Panchito na ‘yun! Naging malaking parte nga ito ng mga pelikula ni King of Comedy, Dolphy.

Bayani Agbayani

Kung kwela at kwela lang ang usapan nandiyan si Bayani Agbayani! Bukod sa komedya naging sidekick din ito sa mga action films.

Dennis Padilla

Isa pang iconic sidekick si Dennis Padilla. Sumikat man ito sa komedya, sumama na din ito sa mababakang pelikula. Pero ang tambalan nila ni Janno Gibbs ang ‘di matawaran!

Janno Gibbs

Ang sikat na singer ay naging sidekick din ah! Kwela nga ang ginawa nitong aktingan sa kaniyang pelikula kasama si Manoy Eddie Garcia.

Willie Revillame

Syempre sino pa bang ‘di makakakilala sa iconic na si Willie Revillame. Mas kilala na itong Kuya Wil ngayon dahil ang sidekick bidang-bida na ngayon sa kaniyang pagiging game show host.

Kung gusto mong mapanood ang mga bida na ‘to in action, subscribe na sa Vivamax! P149/monthly lang.

For more updates about your favorite Viva artists, follow Viva Entertainment on FacebookTwitter, and Instagram.

Check out other stories:

Facebook Comments