Iba din talaga ang kilig na dala ng klasik loveteams, mga on-screen pairings na kinalakihan ng lahat. Isa na diyan ang ‘di makakalimutang loveteam ni Claudine Barretto at Mark Anthony Fernandez.

In case you didn’t know, bukod sa tambalan ni Claudine at ng namayapang aktor na si Rico Yan, nakilala din noong ’90s ang loveteam ng aktres at ni Mark Anthony.

Sa katunayan, bumida ang dalawa sa 1995 romance film na “Mangarap Ka”.

Sa pelikula man o kahit sa mga litrato, kita ang chemistry na meron ang dalawa, patunay diyan ang ilang litrato na ‘to  ng tambalan na nakakapanumbalik ng tamis ng kanilang loveteam! Check it out below:

Tweetums pero nandoon na ang kilig sa pagitan ng dalawa sa movie poster ng “Mangarap Ka”.

Iba din ang karisma nila together sa eksena. 

Off-screen? Good friends ang mga ito!

Grabe din ang reaksyon ng fans sa Instagram photo na ‘to ni Claudine na nag-hint ng kanilang comeback project.

@claubarretto/Instagram

Hindi na kailangang mag-reminsce dahil nagbabalik ang dalawa ngayong 2022!  Set to premiere na ang reunion film ni Claudine at Mark na “Deception” sa Vivamax, ang sariling streaming platform ng media giant, Viva Entertainment.

Photo from Vivamax/Website

Directed by the acclaimed Joel Lamangan, iikot ang “Deception” sa storya ng mag-asawang Jerico (Mark Anthony) at Rose (Claudine) na may nakakagulat na rebelasyon pagkatapos makulong ni Rose ng sampung taon!

Photo from Vivamax/Website

Panoorin ang “Deception” ngayong January 28, 2022 na sa Vivamax! Subscribe na sa Vivamax for only P149/monthly.

Bisitahin din ang web.vivamax.net sa latest movies, series, concerts, documentaries at maraming pang iba!

For more updates about your favorite Viva artists, follow Viva Entertainment on FacebookTwitter, and Instagram.

Check out other stories:

Facebook Comments