Sa kanyang upcoming entry sa 45th Metro Manila Film Festival na ‘Miracle in Cell No.7’, gumaganap bilang isang mapagmahal na ama si Aga Muhlach.

Ganito rin ang veteran actor in real life! Sa kanyang Instagram account, napaka-expressive ni Aga pagdating sa pagmamahal niya para sa kanyang pamilya.
Sa ginanap na ‘Miracle in Cell No.7’ Premiere Night nitong December 16, present ang supportive wife ni Aga na si Charlene Gonzales at ang anak na si Atasha Muchlach.
Matapos ang pelikula, nag-bigay ng mensahe si Atasha sa kanyang ‘dad’ at pinuri niya ang pagganap ng actor sa Filipino remake ng hit 2013 South Korean film! Sobrang na-touch si Aga at ibinahagi ito sa pamamagitan ng isang Instagram post!
Nakakataba ng puso ang heartfelt message ni Atasha at ikinatuwa rin ito ng ilang celebrities na nag-comment sa touching post!
Abangan ang natatanging pagganap ni Aga Muhlach bilang si ‘Lito’ sa 45th Metro Manila Film Festival entry at Filipino remake na ‘Miracle in Cell No. 7’ sa darating na December 25!
Watch the trailer below:
Facebook Comments