Naniniwala ang Viva artist na ‘to!

Ilang sunod-sunod na araw nga na-takeover ni Olympic champion Hidilyn Diaz ang social media sa kaniyang kahanga-hangang pagkapanalo sa 2020 Tokyo Olympics!

May be an image of 1 person and text that says 'PHILIPPINES'
Hidilyn Diaz/Facebook

Nakamit nito ang gintong medalya sa weightlifting category ng kumpetisyon at nakamit ang unang ginto para sa bansa sa unang pagkakataon. Isa talaga ‘tong historic moment para sa bansa.

Maaraw na ang panahon ngayon, si Hidilyn naman ang binaha—ng pagbati at rewards ng mga brands sa pagkapanalo! Ang dami na nga nitong lifetime supplies!

SEE MORE: Sikat Na Brands, Biglang Bawi Kay Hidilyn Diaz?!

Pero isa sa nakakalokang post ngayon ay ‘di umano meant-to-be ang panalo.

@hidilyndiaz/Instagram

Ang iconic host na si Joey de Leon ang nagsimula nito.

Ayon sa witty host, kinumpara nito ang unang Filipino Miss Universe na si Gloria Diaz at ang unang Olympic Gold Medalist na—gets mo na?—si Hidilyn Diaz!

“First Philippine Miss Universe: Gloria DIAZ! First Philippine Olympic Gold Medal: Hidilyn DIAZ! Salamat sa DIOS, Salamat sa DIAZ! Buenos dias! @hidilyndiaz”

@angpoetnyo/Instagram

Ang “Social Media Goddess” na si Donnalyn Bartolome naman ay naniniwala sa power ng mga may “Lyn” sa pangalan!

@donna/Instagram

“Malulupit talaga ang mga Lyn 😏” sulat nito sa kaniyang Facebook post.

May ‘Lyn’ din kasi ang singer. Tulad din ng ng atlete, grabe ang pinagdaanan bago nakamit ang matamis niyang tagumpay at success ngayon.

For more updates about Donnalyn Bartolome, follow Viva Entertainment on FacebookTwitter, and Instagram.

Facebook Comments