Para ba sa naudlot na pelikula ang training ni Matteo?

@matteog/Instagram

Wala makakatanggi na itong mga nakaraang buwan ay nag-bu-bulk up ng katawan si Viva artist Matteo Guidicelli.

Base na din sa mga Instagram Stories nito, kitang-kita ang pagbabago sa katawan ni Matteo, way chunkier na ito ngayon!

@matteog/Instagram

Lalo na’t kinuha pa nito ang serbisyo ng celebrity coach na si Arnold Aninion na naging hard but effective coach kay na Erwan Heussaff, Nico Bolzico, pati na kay Anne Curtis.

Sa katunayan, pinagusapan ang celeb coach at ang aktor sa kanilang kakaibang after workout routine—ang pagbabad sa ice bath!

“…but that’s the whole point of it, to embrace the pain. I try to do the ice bath everyday after our intense workout sessions to recovery my body for the next days session.”

@matteog/Instagram

Pero para saan ba ang intense workouts at pagbabad sa yelo na ito ng aktor?

Matatandaan na noong Agosto kinumpirma ng Viva Entertainment Inc CEO Vincent Del Rosario Jr., na itutuloy nila ang mga big productions tulad ng “Osyana” ni Kylie Verzosa at “Pedro Penduko” ni Matteo.

@matteog/Instagram

Ayon sa media giant, hadlang ang pandemya sa projects na ito na kailangan ng pangmalakakihang produksyon, casts, at crew.

@matteog/Instagram

May koneksyon kaya ang masipag na pag-training na ito ni Matteo sa “Pedro Penduko”? Or an all new project all together? Stay tuned!

For more updates about Matteo Guidicelli and other Viva artists, follow Viva Entertainment on FacebookTwitter, and Instagram.

Check out other stories:

Facebook Comments