Once and for all tinapos ni Kylie ang usapan!

@kyliverzosa/Instagram

Baguhan man, naka-ilang taon na din si Kylie sa showbiz simula ng pumasok siya dito matapos ang kaniyang duties and responsibilities bilang isang beauty queen.

Tuloy-tuloy ang projects nito at blessed naman ang aktres na bukod sa kaniyang iconic stint sa bilang Miss International 2016, nakikilala na din siya sa kaniyang pagiging aktres.

@kylieverzosa/Instagram

Fully present na nga ito na nagbukas na din siya ng sariling YouTube channel! Kasunod ng successes sa vlogging ng co-Viva artists niya na sina Julia Barretto, Marco Gumabao, Andi Eigenmann, at madami pang iba.

Kung babalikan isa sa most-watched videos niya ay ang pag-sagot niya sa “assumptions” ng netizen sa kaniya.

Pinabulaan niya na siya ay snob o mataray!

“Ang dami ritong nagsasabi na mataray, masungit, intimidating. Feeling ko assumption lang talaga ‘yon. Feeling ko mukha lang akong ano pero hindi talaga. Once you get to know me, I’m super approachable. Once na nag-approach kayo sa akin, then mas madali akong mag-open up sa inyo,”

@kyliverzosa/Instagram

At ang pinaka-tea sa lahat ay ang assumption kung meron ba siyang familial relation sa iconic na actor na si Gardo Versoza!

Ang answer ni Kylie?

“Ang dami talagang nagtatanong sa akin nito and the answer is yes…terday,” natatawa pang sagot nito.

@kyliverzosa/Instagram

Ayon sa beauty queen, baka malayong kamag-anak niya ang aktor. Sa apelyido palang nila kasi ay magkalayo na.

Kylie Verzosa siya, Gardo Versoza naman ang aktor.

“Hindi talaga guys, feeling ko faraway relative ko lang si Tito Gardo… pero naka-work ko na siya sa isang sitcom,”

Panoorin ang full vlog ni Kylie below!

For more updates about Kylie Verzosa and other Viva artists, follow Viva Entertainment on FacebookTwitter, and Instagram.

Check out other stories about Kylie Verzosa

Facebook Comments