Ibang KimJe nga!

@kimsmolina/Instagram

Mukhang pinapahiwatig na ng real life couple at Viva artists na sina Kim Molin at Jerald Napoles na ‘di ko comedy o sexy ang kaya nilang gawin.

Dahil sa trailer ng upcoming movie ng dalawa, ang “Ikaw At Ako At Ang Ending” ala-Bonny and Clyde sila!

Sa teaser nga ng pelikula na lumabas recently, kapansin-pansin ang sexy scenes na pagsasaluhan ng dalawa sa pelikula. Ang full trailer naman, ibang-iba dahil ang KimJe kriminal pala?!

@kimsmolina/Instagram

Ang almost two minutes na trailer ay pinakita kung ano ang magiging takbo ng pelikula. Si Jerald bilang Martin ay isang kriminal, si Kim bilang Mylene ay mukhang hote staff. Pero dahil sa pera magtutulungan sila mukahng magkakaibigan din!

@kimsmolina/Instagram

Obvious din sa pelikula ang pagiiba ng imahe ng dalawa, lalo na si Jerald na bilang Martin ay naging seryoso, maingat, at mapanghinala. Si Kim bilang Mylene naman naging misteryoso pero kasing gahaman din sa pera.

“Hindi ka Diyos My, pero isa kang anghel…” sumasabang sagot ni Martin.

“Bigyan mo ‘kong pera” bulong lang ni Mylene.

Makakatakas ba sila? O tulad ng ibang pelikula magkakaroon ng taksilan? Abangan natin ‘yan sa “Ikaw At Ako At Ang Ending” directed by Irene Villamor ngayong August 13, 2021 sa Vivamax!


For more updates about Kim Molina, Jerald Napoles, and other Viva artists, follow Viva Entertainment on FacebookTwitter, and Instagram.

Check out other stories:

Facebook Comments