Ilang dekada na din ang nagdaan simula ng unang ipalabas at mapanood ang most memorable character (ever) ni Janno Gibbs, si Pedro Penduko!

Sa success nito nagkaroon pa nga ito ng remake sa telebisyon. Mayroon din sa pelikula na si Matteo Guidicelli ang bibida.

Ipinasa naman na niya ang baton (o medalyon sa kaso ni Penduko) tuloy tuloy pa din ang karera nito sa showbiz.

Kaso mukhang may pasabog ata ito, dahil si Janno nagbabalik! Hindi bilang Penduko, tapos na siya doon, kundi si Mang Jose!

Kung ang “Mang Jose” ng bandang Parokya Ni Edgar ang iniisip niyo… tama!


Ayon sa mga reports, noong 2019 pa nagkaroon ng usap-usapan na isapelikul ang sikat na kanta ng banda. Kaya naman panalo talaga ngayong matutuloy na ito.

In collaboration ito ng Viva Films at ng Project Corner San Joaquin Projects.

Syempre, bibida si Janno bilang Mang Jose at makakasama niya dito si Mikoy Morales, Manilyn Reynes, at Bing Loyzag a. Directed by Raynier Brizuela ang pelikula at si Carl Joseph Papa naman ang sumat nito.


For more updates about your favorite Viva artists, follow Viva Entertainment on FacebookTwitter, and Instagram.

Check out other stories:

Facebook Comments