Soon to live an island life na din ba?!

@andieigengirl/Instagram

Dahil sa kaniyang beautiful island posts at wise knowledge na nababahagi sa mga followers, nakikitang #goals na ng netizens especially ng fans ni Viva artist Andi Eigenmann ang masayang buhay sa isla.

Bukod sa magandang impluwensya ng maliit na isla ng Siargao kay Andi, nababahagi niya na din ito sa kaniyang 3 million plus followers at almost 3 million subscribers sa kanilang YouTube vlog ang Happy Islanders.

@andieigengirl/Instagram

Mukhang hindi lang si Andi ang nakakakita ng benefits of living in an island. Pati ba ang ina nito ang veteran actress na si Jaclyn Jose ay nahahalina din?!

Sa recent Instagram post kasi ni Andi na-share nito ang kanilang “super chill and comfy” picnic kasama ang mga anak na si Lilo, Koa, at ang soon to-be-husband nito na si surfer/athlete na si Philmar Alipayo.

@chepoxz/Instagram

“Fam picnic in the buyodz! Koa was super chill and comfy on his mat and got to taste some fresh green grass too 😂, lilo also had a blast exploring, befriending cows…” sulat ni Andi.

@andieigengirl/Instagram

Highlight sa comment section ng post ang iniwan na comment ng ‘Nanay’ ng aktres.

“Sarap buhay❤️ pasali?!😊” say nito.

“Halika na rito nanay!” masayang sagot naman si Andi sa comment ng Nanay.

@andieigengirl/Instagram

Naiisip din kaya ng “The Housemaid” aktres ang mag-retire sa Siargao? Kung iisipin sa layo ng isla sa city life at relaxing beach dito, magiging worthy retirement ito sa notable aktres.

For more updates about Andi and other Viva artists, follow Viva Entertainment on FacebookTwitter, and Instagram.

Check out other stories about Andi:

Facebook Comments