Smart decision ‘to!

@matteog/Instagram

1 year palang ang happy marriage ng Viva artists na sina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo, kita naman na wise ang mga decisions nila for their family.

Nakabukod na kasi ang dalawa at may family home underway pa. Iniisa-isa na talaga nila ang pa-re-ready sa kanilang future family.

Kilig!

@_shielaaaaaa_/Instagram

Kaya ‘di magkandaugaga ang fans at followers ng mag-asawa ng biglaang mag-post si Matteo tungkol sa iniisip na pagkuha ng family van.

Na-highlight kasi ‘family’ at naisip ng ilan na subtle hint itong aktor sa pinakahihintay ng lahat—a preggy Sarah G.

@matteog/Instagram

Surprise! Ang family van para ay sa kanilang lumalaking ‘pawmily’! Base sa Instagram post, klinaro ni Matteo na para sa kanilang dumadaming pets ang sasakyan.

Matatandaan na currently may 6 dogs na ang Guidicelli fam. Nandiyan si 04, Dakota, Jack Theodore, Nuka, Dolly, at Liya.

@matteog/Instagram

“The real reason why I wanted a family SUV — my pawmily!” explain ni Matteo.

Mapapansin na endorsement din ang post para sa isang kilalang car brand.

@matteog/Instagram

]Sigurado ang family update na pinakahihintay ng lahat will come eventually. Kita naman na enjoy na enjoy pa ng mag-asawa ang kanilang just the two of them moments nila.

For more updates about Matteo Guidicelli, Sarah Geronimo, and other Viva artists, follow Viva Entertainment on FacebookTwitter, and Instagram.

Check out other stories:

Facebook Comments