Ma-ingay at mainit man ang pangalan ni Julia Barretto at Gerald Anderson sa social media, never na maapektuhan ang dalawa anuman ang sabihin ng mga bashers sa relasyon nila.

@juliabarretto/Instagram

Matatandaan na simula ng umamin ang dalawa sa kanilang relasyon, noong March 2021, mismong birthmonth nila. Mas naging open na ang dalawa na mamataan magkasama together. Just the two of them o may kasamang iba.

Fast forward to now, ang dalawa ay stronger than ever at behind na sa mga isyung ibinabato sa kanila.

@juliabarretto/Instagram

Sa latest vlog kasi ni Julia, na-share nito ang kanilang short getaway sa Baguio kasama si Gerald na madalas ay kasa-kasama na ng pamilya ni Julia ngayon.

@juliabarretto/Instagram

Masaya ang mga itong nag-ikot-ikot sa Baguio habang nakatoka sa pag-drive ang aktor.

May part pa nga sa vlog na tumigil sila sandali dahil may titignan ito.

“He’s gonna buy a house again…” maririnig na playful tease ni Marjorie Barretto kay Gerald.

“Surprise! Meron na.” natatawang sabi ng binata habang nakatingin kay Julia.

@juliabarretto/Instagram

Sa title din ng aktres sa vlog niya, “WHAT MATTERS MOST” mukhang ang mga tao sa vlog  at rest ng kaniyang pamilya ang mga opinyon na papakinggan niya na lang. The rest, ‘noise’ nalang para sa aktres.

Panoorin ang full vlog below!

For more updates about Julia and other Viva Artists, follow Viva Entertainment on FacebookTwitter, and Instagram.

Check out more stories about Julia Barretto:

Facebook Comments