Ilang interviews na din ang napaunlakan ni Andi Eigenmann kung saan ibinahagi nito na malaking parte ang fiance na si Philmar Alipayo sa kaniyang pag-grow bilang tao lalong-lalo na sa pagiging magulang.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Philmar Alipayo (@chepoxz)

Ayon kay Andi, nakatulong na ito’y may mga anak din tulad niya.

“I learned a lot from Philmar in terms of taking care of kids kasi mas tutok siya. And I feel, besides being a surfer, his focus is really being a father.” puri ni Andi Eigenmann kay Philmar sa isang interview.

Kung si Philmar naman ang tatanungin, malaki din ang naging impact ni Andi at ng Happy Islanders sa kaniya!

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Philmar Alipayo (@chepoxz)

Tahimik ‘man madalas sa kanilang vlogs tila napasilip tayo ni Philmar sa kaniyang inner thoughts sa recent nitong TikTok post.

Slideshow ang post ng mga litrato niya habang mayroon nagsasalita na ito ang mensahe:

“Minsan akala ng mga kaibigan natin, nagbago na tayo. Kasi ‘di na tayo sumasama sa mga happenings, sa mga gimik pero ‘di nila alam ‘di naman tayo nagbago. Nag-mature ka lang, nag-grow ka lang.”

Hanggang sa naging litrato na ito ni Philmar kasama ang kaniyang Happy Island fam: si Andi, Ellie, Lilo, at Koa.

@chepoxz💕♬ original sound – Dwardz Doctolero Sevidal Jr. – boyong

For more updates about Andi Eigenmann and other artists, follow Viva Entertainment on FacebookTwitter, and Instagram.

Check out other stories about Andi:

Facebook Comments