Pagkatapos i-announce na magsasama-sama sina Ella Cruz, Meg Imperial, Nathalie Hart, at Jennifer Lee para sa action-comedy movie na ‘STEAL’, ay inilabas na ng Viva Films ngayon araw ang official trailer ng pelikula. At mukhang ‘Femme Fatale’ ang apat sa trailer!

 

View this post on Instagram

 

A post shared by VIVA Films (@viva_films)

Ang ‘Femme Fatale’ ay description sa isang babae na maganda, kaa-kit ngunit delikado. Kaya nitong gamitin ang beauty at charms para mapatumba ang kalaban. Babae man o lalaki.

Sa trailer kasi ay kita ang apat na nag-plano para i-steal ang isang mamahaling diyamante.  Nagusap-usap din ito kung ano ang gagawin sa mga goons na makakaharap.

Kita din na mukhang magsasalita ang iba sa mga ito ng Japanese languange!

Ginanap at na-ishoot ang ‘STEAL’  sa Japan.

Ngayong January 22, 2021 mapapanuod na ang STEAL sa mga sinehan!

Starring Ella Cruz, Meg Imperial, Nathalie Hart, at Jennifer Lee ang STEAL ay sa direksyon ni Bona Fajardo. Mula sa produksyon ng Viva Films at Blu Art Productions.

Panoorin ang full trailer below:

For more updates, follow Viva Entertainment on FacebookTwitter, and Instagram.

Check out other stories:

Facebook Comments