Sa tagal na ng Viva Films sa larangan ng entertainment industry, ilang artista na ang dumaan at sumikat dito. Ang mga action stars na ating tinitingala mula noon hanggang ngayon ay sigurado dumaan din sa media giant.

Kung merong bida, syempre ‘di mawawala ang mga epic kontrabida na kailanman constant na ang kasamaan sa pelikula. Hindi kana mahihirapan alalahanin sila, scroll below lang!

Max Alvarado

Kung hilig sa lumang pelikulang Pilipino, siguradong pag nakita mo si Max alam mo na agad na masama ang karakter niya! Mukha palang, kontrabida na!

Romy Diaz

Ang constant na mangaaway sa bayan o nakakatakot na tulisan, sa mga ganitong karakter mas nakilala ang aktor. Naging mahigpit na arch-enemy din siya ng nag-iisang action “Da King” Fernando Poe Jr.

Roi Vinzon

Kung akala mo laging good boy si Roi, sa kaniyang matagal na karera sa pelikula nakuha na din siyang kontrabida! Sa katunayan ito ang poging klase ng kontrabida.

John Regala

Kung  meron mang halang ang kaluluwa sa harap ng camera, yan ay si John Regal at ang mga karakter na ginampanan niyan. Kilala na talaga ‘to bilang isa mga ‘di  malilimutang masasama sa pinilakang tabing!

Paquito Diaz

Sa tagal ng kaniyag tinagal sa industriya, ‘di na naiba ang karakter ni Paquito, lagi siyang kontrabida o kawal ng masama.

Johnny Delgado

Sa aktingan ni Johnny, hindi ka nagkakamali kung makaramdam ka ng kontrabida vibes sa kaniya.

Efren Reyes Jr

Kakaiba naman ang pagiging kontrabida ni Efren, dahil pasok ‘to sa mga kontrabidang nagbabalat kayong mabait!

Dick Israel

Sigurado, ilang manonood ang ‘di malilimutan si Dick Israel. Kung meron kasing kontrabidang masama, kaya nitong doblehin ‘yun. May evil laugh pa!

Rez Cortez

Heto pa ang isang bida-kontrabida! Kung kaya ni Rez na magpaka-bait ang karakter, nakakagalit ‘to pag masama na.

Bembol Rocco

Siya ang napanood mong mabait na tiyuhin, siya din ang corrupt na pulis na puppet ng mga terrorista. Ganiyan ka-versatile ang aktingan ni Bembol!

Edu Manzano

Matutuwa ka kung bida, nakakainis kung kontrabida! Yan si Edu at ang nakakaloka niyang mga karakter sa pelikula.

Eddie Garcia

Kung akala mo lagi ka lang ipagtatanggol ni Manoy, naku naging halang din ang bituka niya sa pelikula.

Miss mo na ba ang mga pangalang ‘to? Mapapanood mo na sila ulit. Kuha kana ng 7 days for only P49 o kaya ang sulit na sulit na P149 monthly subscription sa Vivamax!

For more updates about Viva artists, follow Viva Entertainment on FacebookTwitter, and Instagram.

Check out other stories:

Facebook Comments