Ito nga kaya ang paraan ng aktor para makausap ang mga anak?

@dennisastig/Instagram

Mukhang sa social media na dineretso ni Dennis Padilla ang pangungulila sa mga anak na sina Viva artists Julia at Claudia Barretto.

Sa Instagram kasi ng kilalang aktor, nag-post ito ng black and white photo ni Julia at Claudia. Pinahayag din nito ang pagka-miss sa dalawa.

@dennisastig/Instagram

“Julia and Claudia… Miss you mga anak” sulat ni Dennis sa post.

Hindi lingid sa lahat na ‘di ganoon ka-smooth ang relasyon ng mga anak ni Dennis kay Marjorie Barretto.

Nang magpa-interview si Dennis sa batikang artist manager at personality na Ogie Diaz, doon nito kwinento ang reaksyon sa isyung gusto umanong palitan ng mga anak ang kanilang apelyido.

Pero ayon na din kay Marjorie, apelyido pa din ni Dennis ang gamit ng mga anak.

Na-interview pa nga ni Julia ang ama noon sa kaniyang vlog, pero pagkatapos umere ang interview nito kasama si Ogie Diaz, nawala ang video na iyon.

Isang cute na photo ng tatlo ang na-share nito muli sa Instagram.

Spotted naman noong weekend sa Baguio si Julia, Claudia at ang kanilang pamilya kasama ang boyfriend ng aktres na si Gerald Anderson.

For more updates about Julia and other Viva Artists, follow Viva Entertainment on FacebookTwitter, and Instagram.

Check out more stories about Julia Barretto:

Facebook Comments