Nakaramdam ba noon si Daddy Delfin sa plano ni Sarah G?!

@justsarahg/Instagram

Isa talaga sa mga taong sobrang pasalamat si Popstar Royalty Sarah Geronimo ay ang kaniyang pamilya. Lalo na sa magulang na si Divine at Delfin Geronimo na mas kilala sa mga fans na Mommy Divine at Daddy Delfin.

Bukod sa passionate ang singer na maging entertainer noon pa man, ito ang nag-encourage sa kaniya na gawin iyon. Sinali nila ang anak sa iba’t-ibang singing contests hanggang sa nakamit na nito ang matamis na panalo at tagumpay noong 2003 sa Star For A Night.

@sarahgeronimoshots/Instagram

Kaya sa pagbubukod ni Sarah at pagpapakasal nito sa actor/athlete na si Matteo Guidicelli, malaking pagbabago talaga lalo na’t inalagaan ng mga ito ang anak for years.

Kung babalikan nga mukhang naramdaman ng ama ang nalalapit na pagaasawa ni Sarah noon. Sa kanilang 2019 interview sa morning talkshow na “Magandang Buhay” sa ABS-CBN, heto ang sinabi niya sa anak.

“Kailangan kasi maging matatag tayo, kami namang mga magulang syempre gusto rin namin lahat ng mga anak namin mapunta sa magagandang buhay at patutunguhan.”

Appreciated din ni Daddy Delfin ang pagmamahal ng singer sa mga kapatid at pamilya.

@sarahgeronimoshots/Instagram

Ang heartfelt naman ng sagot ni Sarah G sa ama.

“Sa buong family ko, know that I will forever be grateful. Kahit ano o sinong dumating sa buhay ko hindi magbabago ‘yung pagmamahal at respeto ko sa mga magulang ko sa mga kapatid ko.”

@vivaartistsagency/Instagram

A year after, sa isang intimate wedding, pinakasalan ni Sarah ang then longtime boyfriend niya na si Matteo.

Sa kaniyang first online concert ang biggest-selling “Tala: The Film Concert” inalala nito ang mga magulang.

“You can have all the riches in the world. Material things na gusto mo, pera na gusto mo, popularity na gusto mo, pero kung wala naman sa buhay mo yung mga pinaka-importante saiyo, balewala lahat ng iyon,” narrate ni Sarah G.

Panoorin ang heartfelt conversation na nagpa-iyak kay Sarah G below!

For more updates about Sarah Geronimo and your favorite Viva artists, follow Viva Entertainment on FacebookTwitter, and Instagram.

Check out other stories:

Facebook Comments