Parehas na babae at lalaking viewers ng local streaming platform, Vivamax, ang siguradong mpapa-’sana all’ sa upcoming pelikula ng Viva artist na si Christine Bermas para sa Vivamax.

@christinebermas_/Instagram

Ngayong Biyernes, March 18, na kasi ang “Moonlight Butterfly” ang latest steamy Vivamax original na lead star ang aktres. Ito’y nasa direksyon ng acclaimed Filipino direktor na si Joel Lamangan.

Kung matatandaan si Direk Joel din ang brains behind hit Vivamax films na “Deception” at “Siklo” kung saan bumida din ang dalaga.

Ang kaibahan naman ng “Moonlight Butterfly” hindi lang isa o dalawa ang love interest ng —tatlo!

Kasama ni Christine ang tatlo sa mga sikat hunk stars ngayon sa Showbiz! Sina Kit Thompson, Albie Casino, at Ivan Carapiet.

Notably known si Kit sa kaniyang role sa Vivamax film na “Ang Sarap Mo Patayin,” si Albie naman sa TV series na “Mara Clara,” at si Ivan sa longest running TV series na “Ang Probinsyano”.

@kitthompson/Instagram
@kthestallion09/Instagram
@ivancarapiet/Instagram

Mabibighani at magaaway-away sila para sa puso ni Moonlight Butterfly!

Ayon sa trailer ng pelikula, iikot ang storya kay Eunice (Christine) na mas kilala bilang ‘Moonlight Butterfly’. Upang makaraos sa buhay at maitaguyod ang kaniyang pamilya tatanggapin niya ang proposal ni Elliot (Kit) kahit na mayroon na siyang nobyo na si Roy. Dadating din sa buhay ni Eunice ang karakter ni Ivan na siyang magpapalala sa sitwasyon at mukhang ikakapahamak niya! 

@christinebermas_/Instagram

Hayaang dumapo ang kaganda ni Christine sainyong mobile phones and laptops! “Moonlight Butterfly” ngayong March 18 na sa Vivamax

For more updates about your favorite Viva artists, follow Viva Entertainment on FacebookTwitter, and Instagram.

Check out other stories:

Facebook Comments