Gaano ‘man na katagal simula ng bumida siya sa telebisyon at pelikula walang makakalimot sa nag-iisang “Buboy” ng showbiz, si Cesar Montano na batikang action star din noon!

Cesar Montano denies Sandra Seifert is his girlfriend
Yahoo News/Website

Sa bakbakan, putukan, at kahit anong klaseng bardagulan sa masasama ay nagawa na nito. Kaakibat nun ay ang matinik nitong karisma sa kaniyang ka-loveteams sa pelikula.

Matinik ang kick pati sa chicks! Kaya ilang leading ladies na din ang dumaan sa karera nito sa action movies. Balikan ang kaniyang mga nakakakilig, minsan ang kulit, na mga eksena kasama sila below:

Nanette Medved

Hindi maaksyona ng pelikulang pinagtambalan ni Nannette at Cesar, pero lumabas dito ang karismang nakaka-magnet ng aktor.

Anjanette Abayari

Matapang si babae, matigas din si lalake. Parang aso’t pusa na iringan na mauuwi din naman sa ibigan. Ganiyan ang iconic na tambalan ni Anjanette at Buboy!

Dina Bonnevie

Kung tahimik na maangas na si Cesar, ‘di papahuli ang karater ni Dina!

Alice Dixson

Kung nangungulila ang karakter ni Alice sa kaniya, kaya naman ni Cesar maging kasing lamig ng yelo sa kaniya!

Mikee Cojuangco

Napakita din ng batikang aktor ang kaniyang nakakatawa at nakakakilig na side at kita ‘to sa tambalan nila ni Mikee!

Charlene Gonzales

Kung pagiging sanggano at sanggano lang din ang usapan, madaling kausa si Buboy diyan!

Sharon Cuneta

Kahit ang Megastar ay ‘di nakatakas sa aktor! Sa tambalan nila, maaksyon na nakakatawa pa siya!

Sunshine Cruz

Kung leading ladies lang ang usapan, wala na sigurong makahihigit pa sa tambalan nila ni Sunshine Cruz. Sa katunayan naging mag-asawa ang dalawa. Ngunit taong 2013 nauwi sa hiwalayan ang iconic loveteam.

Bitin ba? Subscribe nasa Vivamax para makapanood pa ng iba’t-ibang action films ng nagiisang Cesar Montano at marami pang iba! P149/monthly.

For more updates about your favorite Viva artists, follow Viva Entertainment on FacebookTwitter, and Instagram.

Check out other stories:

Facebook Comments