Nagpakatatag si Bela!

@justinenavato/Instagram

Nasa abroad man ngayon si Viva artist Bela Padilla kasama ang kaniyang Swiss boyfriend na si Norman Ben Bay, tuloy-tuloy ang karera nito sa showbiz dito sa bansa. Lalo at tapos na nito ang shooting “366” ang directorial debut film niya.

Pero at some point pala ang aktres ay nakaramdam ng awkwardness sa sarili niyang pelikula. Dahil sa aktor na naka-trabaho niya na—reveal nito—may past sila!

Ang aktor na ‘to ay si Zanjoe Marudo na isa sa leading man ni Bela sa pelikula.

Sa recent interview kasi ng aktres, sinagot na niya ang madalas a tanong ng karamihan. Kung nagkaroon ba sila ng understanding ni Zanjoe.

“We really weren’t a couple. We did date a few times but we didn’t really date-date like hindi naging kami, so that’s it.” explain ni Bela.

@bela/Instagram

Dagdag pa nito, masaya siya na naging tropa sila ni Zanjoe.

“I’m just happy we were able to be friends before we date. Para siyang barkada.”

Ganoon pa man ‘di talaga napigilan ni Bela na maging awkward.

“At first I was super nervous because we hadn’t really spoken in 4 years. We didn’t have a chance to see each other anywhere in the last four years.”

My Dear Heart (2017)
IMDB/Website

Natakot pa nga ito na i-direct si Zanjoe!

“I was so scared to direct him na nakalimutan ko ano yung sinisigaw pag action. Sa sobrang kaba ko nakalimutan ko sabihin yung ‘sound’.”

Eventually, natunaw ang awkwardness na ‘to! In fact masaya ang aktres na kasama ang aktor sa friends niya.

@bela/Instagram

“It’s nice to have friends you can rely on in the industry. So I’m happy to bring that back, start a friendship again.”

Huling nagkasama si Bela at Zanjoe sa 2017 TV series na “My Dear Heart”.

For more updates about Viva artists, follow Viva Entertainment on FacebookTwitter, and Instagram.

Check out other stories:

Facebook Comments