Ilang buwan bago ang kanyang highly-anticipated wedding sa longtime partner na si Richard Gutierrez, gorgeous VIVA star Sarah Lahbati celebrated her pretty in pink bridal shower with her friends and loved ones!

Siguradong magiging peg ng future brides ang dreamy bridal shower ni Sarah!

Si Gideon Hermosa ang event stylist nito. Napuno ng pastel-colored flowers at pink tulle na decorations ang Vivere Hotel suite ni Sarah.

Sa isang corner mayroon ding agaw pansin na flower arrangement at velvet at faux fur couches para sa mga bisita!

Maliban sa mga chic details na perfect para sa soon to be bride, agaw-pansin din ang queen-size bed na ito kung saan makikita si Sarah in her baby doll dress at satin pink bow na nag blend in sa tema ng bridal shower!

Dumalo sa bridal shower ang mga kaibigan at fellow VIVA artists na sina Bella Padilla at Coleen Garcia!. Blooming na blooming ang tatlo sa kanilang photo together below!

Instagram / newlounge.ph

Kung bridal shower pa lang ni Sarah Lahbati ay ganito na ka detalyado at ka-ganda, paano pa kaya sa kasal niya? We can’t wait for Sarah and Richard’s big day!

 

Facebook Comments