Agad namang nilinaw ng aktres na si Bela Padilla na walang kasalang magaganap ngayong 2021.

Mayroon kasing mga comments sa kanyang Instagram na usap-usapan na magpapa-kasal na umano ang aktres dahil sa pag-post nito ng white blankong photo sa naturang platform.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bela Padilla (@bela)

Ayon pa sa aktres ngayong 2021 ay maiintindihan na ng karamihan na mayroon pang ibang bagay sa buhay na pwedeng mag-level up, at hindi lang iyon relationship.

“To the people commenting that I’m getting married, I’m sorry but no… 😂 I’m marking the start of a new chapter in my life as I direct my first film ever 🙈 I honestly hoped that by this time….2021….a whole year after the pandemic…we finally understand that there are other things in life where we can level up. Not just our relationships 😂🙈”

Ginawa lamang talaga niya ito para i-highlight ang umpisa ng kanyang pag-debut sa pag-didirektor ng pelikulang “366”.

Instagram/@belapadilla

Nag-share na din si Bela sa Instagram stories ng day 1 ng pelikula.

Instagram/@belapadilla

Kasalukuyang naka-locked in taping ang cast at crew ng 366. Makakasama niya sa dito sina Zanjoe Marudo at JC Santos.

Ito man ang unang pelikula ni Bela, hindi naman ito ang unang beses na naging involve siya sa film process. Ang mga pelikulang “Camp Sawi” at “Last Night” ay isinulat niya.

For more updates about Bela Padilla and other Viva Artists, follow Viva Entertainment on FacebookTwitter, and Instagram.

Check out other stories about Bela

Facebook Comments