Nakakalungkot talaga ang sumapit sa kilalang komedyante at impersonator ni Megastar Sharon Cuneta na si “Ate Shawee” Martinez na ngayon ay namayapa na dahil sa sakit na liver cirrhosis.

May be an image of 2 people
Shawee Martinez/Facebook

Pumanaw ito sa edad na 45 lamang.

Si “Ate Shawie” or Marvin Martinez sa totoong buhay ay ‘di lang ginawang sining ang pag-impersonate sa Megastar, ito din kasi talaga ay true fan o Sharonian.

Sa katunayan, bago ang nakakalungkot nitong sinapit, makailang beses ‘to humingi ng tulong (at natulungan din) ng mga fans at kaibigan.

May be an image of 2 people
Shawee Martinez/Facebook

Kumatok din ito sa taong kaniyang inspirasyon sa entertainment industry—ang nagiisang si Sharon Cuneta.

“Palagi rin po kaming nagpo-post sa social media tungkol sa kalagayan ni Tita Shawee para makarating kay Ms. Sharon Cuneta. Baka-sakaling makatulong siya kay Tita Shawee kahit konti…” banggit ng pamangkin ni Ate Shawee na si Rafaela sa report ng Pep.ph.

May be an image of 2 people
Shawee Martinez/Facebook

Sinusubukan din nitong maabot ang mensahe kay Vice Ganda.

“Lagi ko rin mine-mention si Vice Ganda sa mga post ko. Baka hindi pa nakakarating kay Vice ang nangyayari ngayon kay Tita Shawee.”

Nakailang beses na nakadaupang palad ng Megastar ang kaniyang impersonator.

May be an image of 1 person and smiling
Shawee Martinez/Facebook

All over sa Facebook page nito ang mga past photos ni Ate Shawee at ang tunay na si Sharon Cuneta.

Sa mga huli nitong sandali, pinatibay nito ang loob sa  kinahaharap.

Sharon Cuneta impersonator Ate Shawee dies at 45 1
Shawee Martinez/Facebook

“Nalulungkot ako napanghihinaan ng loob iyak ako ng iyak. Sana naman kayananin ko lahat ito…” sulat nito sa mga huli nitong posts.

Tumatanggap pa din ang mga naiwan nito ng tulong pinansyal para malibing ito ng maayos. Heto ang ilan sa kanilang detalye na tumatanggap ng tulong: Gcash number 09952397972 – Ronnica Rollyn; BDO Unibank Inc. Savings Account Number 002470252578 – Justine D. Castro.

For more updates about your favorite Viva artists, follow Viva Entertainment on FacebookTwitter, and Instagram.

Check out other stories:

Facebook Comments