Kakaiba din talaga ang nabuong friendship nina Matteo Guidicelli at Albert Nicolas o mas kilala bilang Asian Cutie. At lalo nakita ang newfound friendship ng dalawa sa drink and spill video na ito!

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Albert Nicolas (@thealbertoesnicolas)

Nagsama sina Matteo at Asian Cutie para tanungin ang isa’t-isa ng honest questions. Gamit ang isang toy lie detector, magtatanong sila sa isa’t-isa ng mga honest questions. Pag na-detect na hindi totoo ang sinabi ng isa ay kailangan uminom nito!

Nakakatawa makita kung paano umamin at umiwas ang dalawa. Tinanong ni Matteo kung na-intimidate ba si Asian Cutie sa kanya. Confident namang nag say ‘no’ ang social media personality dahil parang nakakita lamang ito ng salamin.

Tinanong naman ni Matteo kung nainis si Albert sa Unboxing Video niya, na tinanggi naman ng komedyante. Pero na-surprise ang dalawa ng biglang nag-No ang device.

At kung maging homeless naman si Asian Cutie ay nalaman nila medyo tagilid si Matteo kung papatuluyin niya ito.

Sa tanong naman na “Nagsinungaling kana ba kay misis?” agad-agad namang umamin si Matteo na never niya ginawa ito sa asawang si Sarah Geronimo.

‘Di naman na tumanggi si Asian Cutie ng tanungin siya ni Matteo kung sino ang mas magaling sa kanila kumanta. Bilang patunay, nag-duet pa ang dalawa!

Panuorin ang ilan pang tanungan nina Matteo at Asian Cutie sa video na ito!

For more updates about Matteo Guidicelli, follow Viva Entertainment on FacebookTwitter, and Instagram.

Check out other stories about Matteo

Facebook Comments