Hindi lang gamit sa bahay at kung ano-ano pa ang magiging laman ng tahanan ni Asia’s Popstar Royalty Sarah Geronimo kundi pati awards!

Hindi na iyon maiiwasan dahil isang award-winning artist si Sarah Geronimo, at sa kaniyang 18 years sa entertainment industry, siguradong kaya na nito mag-puno ng isang shelf sa mga awards na natanggap.

Papatalo ba ang haligi ng kanilang maliit na pamilya? Syempre hindi!

Sa loob ng kaniyang karera sa showbiz ilang awards na din ang napalanunan ni Matteo. At hindi lang para sa pagarte ganoon din sa pagkanta!

Lalo na ngayong tuloy-tuloy ang kanilang karera bilang individual artists ‘man o mag-asawa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Matteo Guidicelli (@matteog)

At mukhang maguunahan pa nga ang mga ito ng awards na iuuwi sa kanilang bahay dahil si Matteo at Sarah, nominated sa 12th PMPC Star Awards for Music!

Ayon sa Philippine Movie Press Club (PMPC) ang mag-asawa ay may tig-dalawang nominasyon.

Una, si Matteo ay nominated sa “MALE POP ARTIST OF THE YEAR” award dahil sa kaniyang 2019 single na “Sundo”. For the same song, nominated ito muli sa “REVIVAL RECORDING OF THE YEAR” award.

 

Ang Popstar Royalty naman ay nominated sa “FEMALE RECORDING ARTIST OF THE YEAR” dahil sa kanta nitong “Ang Tangi Kong Pangarap” at syempre sa award na “FEMALE POP ARTIST OF THE YEAR” para sa kaparehas na kanta.

 

For more updates about Sarah Geronimo, Matteo Guidicelli, and other Viva artists, follow Viva Entertainment on FacebookTwitter, and Instagram.

Check out other stories:

Facebook Comments